Tubig-baha: 1,559-katao inilikas sa Bulacan
MANILA, Philippines – Umaabot sa 356 pamilya (1,559-katao) ang inilikas matapos ang pagbaha sanhi ng malakas na buhos ng ulan na dulot ng habagat na pinatindi pa ng bagyong Helen sa Bulacan kahapon.
Ayon kay Romina Marasigan, spokesman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga inilikas na mamamayan na naapektuhan ng tubig-baha ay kasalukuyang kinakanlong sa mga evacuation centers.
Sa bayan ng Marilao ay nasa 200 pamilya (800-katao) ang naapektuhan sa isang barangay habang nasa 77 pamilya naman (364-katao) ang naapektuhan sa Meycauyan City.
Sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan, aabot naman sa 79 pamilya (395-katao) ang naapektuhan ng tubig-baha sa dalawang barangay.
Ayon pa kay Marasigan, stranded din ang mga pasahero mula sa malaking mall sa bayan ng Marilao sa Meycauayan City at maging sa bahagi ng Bocaue matapos na limitado ang bumiyaheng sasakyan sanhi ng tubig baha.
Sa kasalukuyan, nakataas naman ang malakas na rainfall warning sa buong Bulacan, Metro Manila, Rizal, Bataan at sa Cavite.
- Latest