^

Probinsiya

Apo ng Tsinoy pinalaya ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwang pagkakabihag, pinalaya na ng  Abu Sayyaf Group (ASG) ang 21 anyos na apo ng isang negosyanteng Filipino Chinese na nanatiling bihag pa rin ng mga bandido sa Sulu. Sa report, ligtas na ang bihag na si Rian Tan Nunez,  na ibiniyahe at pinakawalan ng mga kidnapper sa Cawa-Cawa, R.T. Lim Boulevard sa Zamboanga dakong alas-6 ng gabi. Si Nuñez, ay sinalubong naman ng naghihintay nitong pamilya sa nasabing lugar. Gayunman, nanatili pa ring bihag ng mga bandido ang 70 anyos nitong si Antonio Tan, isang negosyante na ipinagpapalipat-lipat ng taguan ng mga abductors matapos na paghiwalayin ang maglolo. Magugunita na ang maglolo ay binihag ng mga bandido sa Brgy. Maruing, Lapuyan, Zamboanga del Sur noong Marso 23 ng taong ito.

2016 SEABA STANKOVIC CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with