3 motorcycle thieves, tiklo
QUEZON, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na operatiba ng Regional Intelligence Unit, Lucena PNP, at Quezon Highway Patrol Group ang tatlong notoryus na motorcycle thieves matapos na masakote sa kanilang bahay sa Purok Comia, Barangay Isabang sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, armado ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Adolfo Encomienda ng RTC Branch 64 ng Mauban, Quezon nang arestuhin ang mga suspek na sina Andrian “Ian” Saludes, 28; Joselito Saludes, 30; at si Jonathan Costas. Nabatid na nagtago sa kisame ng bahay ang mga suspek subalit kinalaunan ay nadakip din. Nasamsam sa mga suspek ang cal. 38 revolver, replica ng cal. 45, cal. 22 rifle, granada at dalawang skeleton na motorsiklo na gamit ng mga suspek.
- Latest