P.4-M nilimas ng mga kawatan

Ayon sa PNP, tanging ang cash na P403,000 lamang ang tinangay ng mga suspek. Sa sobrang dami ng mga gamit na tina­ngay ng mga magnanakaw, iniwan na lamang nila ito sa gitna ng rubber plantation sa Sitio Matas, Poblacion, Magpet, North Cotabato. STAR/File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawang bahay ang nilooban ng mga magnanakaw at mahigit  P400,000 cash at mga kagamitan ang nalimas sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng Magpet PNP, puwersahan umanong pinasok ng mga kawatan ang bahay ng isang Edna Bogay, 49-anyos, isang LGU employee, ng nasabing lugar.

Pasado alas-5:00 na nang madiskubre ni Bogay na bukas na ang bintana sa kanilang kuwarto at nawala na ang nakatagong pera nito na P400,000 at ibang mga gamit.

Kasabay nito, pinasok rin ang bahay ng isang Julius Rosete, 35-anyos kung saan nakuha sa kanya ang isang unit ng Samsung netbook.

Alas-7:00 naman ng umaga, nang ireport sa himpilan ng pulisya ng isang rubber tapper ng pamilya Bogay na mayroong mga inabandonang gamit sa gitna ng kanilang rubber plantation.

Agad namang tinungo ng mga pulis ang lugar at doon na tumambad sa kanila ang iba’t-ibang gamit na tinangay mula kay Bogay. Narekober sa lugar ang unit ng laptop, netbook, camera, walong mga cell phone, assorted na mga susi, charger, ibat-ibang ATM cards at passport, at iba pang mga mahahalagang gamit.

Ayon sa PNP, tanging ang cash na P403,000 lamang ang tinangay ng mga suspek. Sa sobrang dami ng mga gamit na tina­ngay ng mga magnanakaw, iniwan na lamang nila ito sa gitna ng rubber plantation sa Sitio Matas, Poblacion, Magpet, North Cotabato.

Show comments