Miyembro ng MILF, misis tiklo sa buy bust sa Cotabato

MANILA, Philippines – Huli sa akto ng pagtitinda ng ilegal na droga ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang kaniyang asawa sa Cotabato City.

Nasakote ang si Usman Karun Daud, 49, na nakuhaan pa ng identification card ng MILF at ang misis niyang so Bainan sa Barangay Mother Poblacion.

Nabawi mula sa mga suspek ang shabu at drug sniffing paraphernalia.

Samantala, nahulihan naman din ng shabu sa isang checkpoint sa Kidapawan City si Jan-Jan Jabla, 27.

Hinarang lamang si Jabla para sa inspeksyon ng kaniyang motorsiklo.

Nang kinuha ng suspek ang kaniyang driver’s license ay nakita ng mga awtoridad ang ilang pakete ng shabu.

Nakakulong ngayon sa Kidapawan City police station si Jabla.

Show comments