Tiyuhin initak ng pamangkin

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kritikal ang 58-anyos na magsasaka matapos itong tagain ng kanyang pamangking senglot nang hindi niya inalok ng hapunan sa kanilang bahay sa Sitio Cavintaran, Barangay Aguitap, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa. Ayon kay PO3 Neil Jan Andres, napuruhan sa ulo ang biktimang si Nelson Salvador habang naaresto naman ang suspek na si Rodel Pascua, 29, ng nasabi ring barangay.? Sinasabing naburyong ang biktima sa pag-iingay ng pamangking nag­hahanap ng makakain matapos itong makipag-inuman sa mga kaibigan. Base sa police report, bago pa sumiklab ang komprontasyon ng magtiyuhin ay kaagad na sinalubong ng taga sa ulo ang biktima. Nadakip naman ang suspek sa follow-up operation habang nakikipagbuno kay kamatayan ang biktima.

Show comments