^

Probinsiya

5 karnaper patay sa shootout

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang notoryus na karnaper ang napaslang matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya na nagbabantay sa Comelec checkpoint sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sapang Cauayan, Muñoz City, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-3 ng madaling araw nang makasagupa ang mga karnaper sa inilatag na Comelec checkpoint sa nasabing barangay.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Rudy Lacadin, PNP regional director na nakatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa kinarnap na traysikel na pag-aari ni Macario de la Cruz  sa Purok 2, Bacal 3 sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija.

Agad namang nag-flash alarm ang Talavera PNP sa mga presinto ng pulisya kabilang ang mga nagbabantay sa checkpoint.

Hinarang naman ang mga suspek sa checkpoint na binabantayan ng mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion sa pamumuno ni P/Supt. Ponciano Zafra.

Gayon pa man, tumangging sumailalim sa inspeksyon sa checkpoint  ang mga suspek na lulan ng traysikel kung saan binangga pa ang signages saka pinaputukan ang mga pulis kaya sumiklab ang putukan hanggang sa mapatay ang lima.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng lima habang narekober naman ang limang cal. 38 revolver, mga bala, motorsiklo at ang traysikel na pag-aari ni Macario.

ANG

BARANGAY SAPANG CAUAYAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

COMELEC

MACARIO

MGA

NUEVA ECIJA

PONCIANO ZAFRA

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

RUDY LACADIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with