15 arestado sa drug den

OLONGAPO CITY, Philippines – Aabot sa 15-katao ang nasakote makaraang salakayin ng mga tauhan ng pulis-Gapo, PNP Maritime Group, at Phil Drug Enforcement Agency ang itinuturong drug den sa Murphy Street sa Barangay New Kalalake sa Olongapo City, ayon sa ulat ng pulisya. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ferdinand Mendoza, isinilbi ang warrant of arrest laban sa mag-asawang Domingo at Isabelita Daño na sinasabing may-ari ng bahay na ginawang drug den. Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang cal. 38 revolver, mga bala, drug paraphernalias at ilang gamit sa pagluluto ng shabu. Wala namang piyansang inirekomenda laban sa mga suspek.

Show comments