Tiktik nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Albay, Philippines – Napatay ang 43-anyos na magsasaka na inakalang tiktik ng PNP at AFP matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagpapahinga sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Jagna-an sa bayan ng San Jacinto, Masbate. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jason Escorel, may asawa at nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang pasukin at ratratin ng hit squad ng NPA. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng M16 rifle habang itinanggi naman ng pamilya ng biktima ang akusasyon ng NPA.

Show comments