Trike vs bike: Mag-asawa dedo

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo makaraang salpukin ng traysikel sa pababang bahagi ng tulay sa Barangay Libertad, bayan ng Tampakan sa South Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ang mag-asawa na sina Edgar Uayan, 50, security guard; at Elsa Uayan, 49, radio operator ng lokal na pamahalaan ng Tampakan. Nasa custody ng pulisya ang driver ng trike na si Jingle Liceda, 37. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima sa sinusundang motorsiklo nang makasalpukan ang trike ni Liceda. Sugatan naman ang kaangkas ng mag-asawang Uayan na sina Jushua Mazo Disi at Lerra Paclibar, kawani ng Spring Radio.

Show comments