Mister dedo sa ambush

CAVITE, Philippines – Napatay ang 30-anyos na mister matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng Congressional Road sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Jovi Mark Pastor, contruction worker  at residente sa Block 68 Lot 1B sa Barangay San Esteban sa nasabing lungsod. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagbibisikleta ang biktimang patungo sa construction site nang harangin at pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments