Pusher tiklo, P.9-M shabu samsam
MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P900,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Bacolod City, iniulat kahapon.
Ayon kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac Jr., ang naturang droga ay nakumpiska mula sa isang Jessie Elefan, 32, isa umanong high-value drug personality ng Purok Everla, Brgy. 34, Bacolod City, Negros Occidental.
Sinasabing isang PDEA poseur-buyer ang nakipagkasundo kay Elefan na magkita sa may kahabaan ng San Sebastian Street, Barangay 15 sa Bacolod City upang bumili ng isang plastic sachet ng shabu. Nang magkita at makuha ang bayad ng droga, agad na dinakip ng mga ahente ng PDEA Negros Island Regional Office (PDEA-NIRO) at PDEA Regional Office 6 (PDEA RO6) si Elefan.
Nakuha mula kay Elefan ang 150 gramo ng shabu na nasa limang transparent plastic sachets na may street value na P900,000.
Nahaharap si Elefan sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest