4 dedo sa road mishap

Kinilala ang mga namatay na sina Melvin Rivera at Marc Dave Tumaneng nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Batal, Santiago City, Isabela. ? Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang hindi na umabot sa pagsalubong sa Bagong Taon matapos masangkot ang kanilang motorsiklo sa magkahiwalay na sakuna sa Isabela at Ilocos Sur kamakalawa.

?Kinilala ang mga namatay na sina Melvin Rivera at Marc Dave Tumaneng nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Batal, Santiago City, Isabela. ?

Sinasabing nag-overtake sa isa pang sasakyan ang motorsiklo ni Rivera subalit nakasalpukan ang motorsiklo ni Tumaneng. ?

Idineklarang patay sa Southern Isabela District Hospital ang dalawa habang nakikipagbuno naman kay kamatayan si Piolo Gragasin na angkas ni Rivera.?

Samantala, patay din si Kagawad Amancio Gamboa matapos makipag-salpukan sa Toyota Fortuner (AAI 5928) ni Geofrey Gonzalo 39 sa Barangay Sabangan sa Santiago, Ilocos Sur.?

Namatay naman si Orlando Carillo makaraang sumalpok ang motorsiklong minamaneho ng kanyang apo na si Guillermo Menor sa kasalubong na motorsiklo ni Dennis Cabairos, Brgy. Paratong, bayan ng Narvacan, Ilocos Sur.

Show comments