Sekyu inutas ng kabarong sekyu

CAVITE, Philippines – Patay ang isang security guard matapos itong barilin ng kasamahang sekyu sa bisinidad ng subdivision sa Barangay Timalan, bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo si Ian Epe, sekyu ng Magnetrod Security Agency at nakatalaga sa Hillsview Subdivision. Sumuko naman ang suspek na si Alvon Tenero, 27, ng Block 30, Lot 24 sa Damayan Area Central sa Taguig City. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, kapwa naka-duty ang dalawa sa nasabing subdivision nang sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa matagal na alitan sa pagbabantay. Gayon pa man, nairita ang suspek sa inasal na sagot ng biktima kaya naganap ang pamamaril.

Show comments