Van vs bike: 1 dedo, 3 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 15-an-yos na binatilyo habang nasa kritikal na kalagayan ang tatlong pinsan matapos salpukin ng van ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Saoat, Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa ng hatinggabi. Idineklarang patay sa Sta. Lucia District Hospital ang biktimang si Julius Fabro habang kritikal naman ang mga pinsang sina Mark Larry Fabro, Jamil Galuga, at si Raffy Galuga. Ayon kay PO3 Roger Cabbab, pauwi na ang mga biktimang lulan ng motorsiklo mula sa Christmas party nang makasalpukan ang kasalubong na van. Kinailangan pang ilipat sa Candon City Hospital ang tatlong biktima dahil sa maselang kalagayan. Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng van na tumakas matapos masalpok ang motorsiklo ng mga biktima.

Show comments