Dalagita patay sa depektibong phone charger

MANILA, Philippines — Hindi inakala ng isang 14-anyos na dalagita na ang depektibong cell phone charge ang tatapos sa kaniyang buhay.

Patay ang biktimang si Judy Ann Ajero matapos makuryente ng sirang charger habang nakasaksak ito at gamit upang makausap ang kaniyang pinsan sa Barangay Gaongan sa Sipocot, Camarines Sur.

Ayon sa mga awtoridad, aksidenteng dumikit sa mukha ni Ajero ang live wire ng charger dahilan upang makuryente siya.

Isinugod pa sa Sipocot District Hospital ang biktima ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

Hindi naman nabanggit sa police report kung anong tatak ng charger.

Show comments