Negosyanteng Tsino itinumba sa Zambo

MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese businessman matapos tambangan ng armadong riding-in-tandem ngayong Biyernes sa Zamboanga City.

Nakilala ang biktimang si Philip Jacinto Lim, 53, may-ari ng Unicon Enterprises.

Ayon sa mga awtoridad, bandang alas-7 ng umaga pinagbabaril si Lim malapit sa junction ng Veterans avenue at Campaner street.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Madali namang nakatakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo.

Show comments