Stude grinipuhan ng manliligaw

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 19-anyos na estudyanteng dalaga matapos itong saksakin ng masugid na manliligaw na kanyang binasted sa naganap na karahasan sa Cevallos Street sa Barangay Calzada, bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi.

Nasa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Janice Villasis, 4th year college student sa Bicol University College of Agricultural Forestry sa Guinobatan Campus at nakatira sa Barangay Dacu sa bayan ng Mobo, Masbate.

Samantala, nasakote naman ang suspek na si Rodolfo Paloma Jr., 23, binata, Grade 9 student sa Marcial O. Ranola Memorial School at residente ng Purok 2 sa Barangay Calzada sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang kasama ang kaklase nang harangin at saksakin ng suspek. Kaagad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad  ang kaibigang si  Alyssa kung saan mabilis namang naisugod sa nasabing ospital.

Show comments