Driver tiklo sa siopao con shabu

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Hindi na makapalag pa ang 45-anyos na trike driver matapos itong masakote ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy na tangkang magpuslit ng bawal na droga pagpasok sa provincial jail sa Barangay Balogo, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Edgardo Garcia, may asawa, at nakatira sa Block 2 Lot 3 sa BNCC Compound, Barangay Cabi­dan sa nasabing lungsod. Sa ulat na isiumite sa Camp Simeon Ola, maghahatid sana ng pagkain ang suspek sa kaibigang preso na si Rey Lagata nang sitahin ng mga guwardiya ng kulungan. Nadiskubre ang apat na plastic sachet ng shabu na sinasabing ginawang palaman sa siopao. Rehas na bakal ang binagsakan ng suspek na magiging kasama niya ang kaibigang nakakulong.

Show comments