Negosyante nilikida ng tandem

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 34-anyos na negosyante habang sugatan naman ang isa pa makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa labas ng tindahan sa Barangay Bulac, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon. Nagtamo ng apat na tama ng bala at hindi na umabot ng buhay sa Kairos Hospital ang biktimang si Marlon Francisco habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa braso at daliri si Levy Gonzales, 71. Sa imbestigasyon nina SPO1 Jerry Villamor at PO1 John Carlo Clemente, lumilitaw na kausap ng biktima ang may-ari ng establisimyento na si Gonzales nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal .45 pistol habang nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong may kinalaman sa negosyo ng biktima.

 

Show comments