Globe executive itinumba ng tandem

STAR/File photo

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang 46-anyos na executive ng Globe Telecom matapos itong pagbabarilin ng riding-in- tandem gunmen sa Barangay Banay-Banay sa Lipa City, Batangas noong Linggo ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Odilon Aguilar, senior account manager ng Globe Telecoms at nakatira sa Barangay  Talon Dos, Las Piñas City, Metro Manila. Ayon sa police report, naglalakad ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng tandem bandang alas-2:15 ng hapon. Mabilis na tumakas ang tandem assassins patungong Barangay Pinagtung-ulan. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments