Motorista utas sa road mishap

North Cotabato, Philippines – Patay ang isang motorista matapos masangkot sa pinakabagong vehicular accident sa National Highway, Poblacion, Makilala, North Cotabato alas nuebe kagabi. Kinilala ni Makilala traffic investigator SPO2 Mindel Calinga ang biktima na si Lyod Ebano Awayan, 27-anyos, ng Brgy. Sinkatulan, Makilala. Ayon sa Makilala PNP, dakong alas-9 ng gabi habang sakay ang biktima sa kanyang Kawasaki HD motorcycle para magpagasolina nang mabangga ng kanyang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Sixon Nellas, 32, ng Kisante, Makilala. Agad na isinugod sa pagamutan sa Kidapawan City si Awayan pero idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor habang kritikal ang kondisyon ni Nellas.

Show comments