2 motorcycle thieves, arestado

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang dalawang lalaki na sinasabing notoryus na motorcycle thieves makaraang maaktuhan ng pulisya na tinangay ang traysikel habang nakaparada sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Rodolfo Marcos, 22, ng Barangay Wawa at Alvin Iglesia, 25, ng Barangay Burol 1st sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Sa police report na nakarating kay P/Supr. Julius Ceasar Domingo, naaktuhan ang mga suspek na tangay-tangay ang traysikel ni Bernabe De Guzman mula sa gilid ng gasolinahan. Sinasabing ang dalawa ay sangkot na rin sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa nasabing bayan kung saan natiyempuhan naman ng pangkat ni P/Senior Insp. Rolando Geronimo.

Show comments