7 members ng Ozamis Group, tiklo

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang pitong miyembro ng Ozamis group sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Tanzang Luma VI sa Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw. Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Noel Acalain, Erick Hechanova, Antonio Villanueva, Michael Ted Cruz, Renante Bastasa, Jeremy Camo at si Ricky Bulawan. Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang pinagkukutaan ng mga suspek makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya. Sinasabing ang mga suspek ay sangkot sa serye ng holdapan at pagnanakaw sa mga banko, pawnshop at remittance center sa  Cavite at karatig lalawigan.Nasamsam sa mga suspek ang  3.0 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, cal .38 revolver, 12 gauge shotgun, at iba’t ibang klase ng bala ng baril.

Show comments