8 tulak-droga arestado

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walo-katao na sinasabing notoryus drug pusher makaraang masakote sa inilatag na drug bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., pormal na kakasuhan  ang mga suspek na sina Nassif Dahoyhoy Batara, 29; Januar Namoca Labitad, alyas John-John Labitad, 38; Patrick Navarette, 34; Alex Aclo, 40; Rio Boniao Castil, 38; Aileen Labitad, 26; Feliciano Braga, 38; at si Jerald Mayone, 40 mga nakatira sa Acacia Extension. Nasamsam sa mga suspek ang 14 plastic sachets na shabu na may street value na P82,500; 16 plastic sachets na dried marijuana leaves, lata na may marijuana fruiting tops at iba’t ibang drug paraphernalia.

 

Show comments