Mag-utol na anti-NPA, nilikida

MANILA, Philippines – Napaslang ang magka­patid na aktibo sa krusada laban sa komunistang grupo makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa. Nagtamo ng mga tama ng katawan partikular na sa bahagi ng kanilang ulo at dibdib ang mga biktimang sina Reymond Licanay at Roy Licanay, mga nakatira sa Sitio Tandakol, Barangay Lilingayon sa nabanggit na lungsod at miyembro ng White Tape Bolo Battalion. Sa ulat ni P/Inspector Jiselle Longakit na isi­numite sa Camp Crame, nangangaso ng ligaw na hayop sa kagubatan ang magkapatid nang harangin  at ratratin ng mga rebelde  sa pamumuno ni alyas Ka Neo. Bandang alas-5:30 ng hapon nang magsitakas ang mga rebelde patungo sa silangang direksyon ng kagubatan matapos na mapatay ang magkapatid.

Show comments