1 patay, 3 kritikal sa pamamaril

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 23-anyos na lalaki habang tatlo naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ng dating sundalo ng Phillipine Army kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan. Kinilala ang napatay na si Melcar Legasina habang malubha namang sina John Lloyd Diaz, Raymond Legaspina, at si Joebert Juit na pawang nakatira sa Brgy. Malaria sa Caloocan City. Pormal namang kakasuhan ang suspek na si Marcelo Asedillo ng Brgy. Sto Cristo sa nasabing lungsod. Sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, naganap ang pamamaril sa bahagi ng Km.33 kung saan tumakas ang suspek subalit natunton ang pinagkukutaan nito sa Sitio Barracks, Brgy.185 sa Caloocan City. Narekober naman sa suspek ang cal. 9mm pistol na ginamit sa pamamaril.

Show comments