7 arestado sa pot session

BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing notoryus na adik at drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Brgy. Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Fortunato “fortune” Caliwan, 37; Serafin Cabahug Jr., 45; Manuel Pineda Jr., 25; Rodel John Bonifacio, 32; Florencio Bernardo, 41; Benjamin Magat, 45, ng Brgy. Caysio; at si Ernesto Claud Jr., 34, ng Brgy. Catmon. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, sinalakay ang bahay ni Caliwan sa Sitio Tabing-ilog kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session. Nasamsam ang mga plastic sachet ng shabu, dalawang plastic packs ng marijuana at iba’t ibang drug paraphernalia. Sa tala ng pulisya, si Caliwan ay ikadalawa sa drug watchlist at ika-2 sa sampung pangunahing target ng pulisya laban sa droga.

Show comments