^

Probinsiya

Trak vs trak: 2 pahinante utas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang dalawang pahinante matapos magsalpukan ang dalawang trak sa kahabaan ng Pugo-Rosario Road sa Barangay Cuenca, bayan ng Pugo, La Union kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay PO3 Besmark Estabillo, kapwa tumilapon dahil sa lakas ng impact ang mga biktimang sina Ronell Magallanes na pahinante ng truck (WEL 579) na may kargang mga baka na pagmamay-ari ng Department of Agriculture; at Christopher Estopedo na sakay naman ng truck reefer (RDF 867) na may kargang isda. Lumalabas sa imbestigasyon na huminto sa gilid ng kalsada ang trak ng DA na minamaneho ni Leopoldo Marryman upang ayusin ang preno nang bigla itong salpukin ng trak na minamaneho ni Anthony Vasquez na pinaniniwalaang nakaidlip. Idineklarang patay sa Rosario District Hospital ang dalawang pahinante habang isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang dalawang driver.

vuukle comment

ANG

ANTHONY VASQUEZ

BARANGAY CUENCA

BESMARK ESTABILLO

CHRISTOPHER ESTOPEDO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LA UNION

LEOPOLDO MARRYMAN

PUGO-ROSARIO ROAD

RONELL MAGALLANES

ROSARIO DISTRICT HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with