Mag-asawang mangingisda, nilikida

Philstar.com/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang mag-asawang mangingisda makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa gate ng kanilang bahay sa Barangay Lipata, bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng gabi. Batay sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, naganap ang pamamaslag dakong alas-8:45 ng gabi habang papasok sa kanilang bahay ang mag-asawang Zaldy Campo at Susan Villanueva mula sa pangingisda. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pangingisda ang isa sa motibo ng killer kaya niresbakan ang dalawa.

Show comments