Trike vs bus: Maglolo dedo

CAVITE, Philippines – Magkasunod na namatay ang maglolo matapos na salpukin ng rumaragasang pampasaherong bus ang kanilang traysikel sa kahabaan ng A. Soriano Highway sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Namatay si Consorcio Postanes, 62, trike driver habang naisugod naman sa ospital pero namatay din ang apo na si Jarenjay Esquillo y Potanes, 12, estudyante at kapwa nakatira sa Brgy. Capipisa. Nahaharap naman sa kaso ang driver ng mini-bus (DWZ 407) na si Marlon Vanderlipe, 41, ng Timalan Balsahan, Naic, Cavite. Sa inisyal na ulat ng pulisya, binabagtas ng maglolong lulan ng traysikel ang kahabaan ng highway sa Brgy. Capipisa para ihatid na sana sa eskuwelahan ang apo nang bigla na lang salpukin ng kasalubong na mini-bus. Nabatid na nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang mini-bus ni Marlon kaya naganap ang trahedya.

Show comments