TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Naapula na ang forest fire na pinangangambahang umabot sa kabahayan sa Mt. Sto. Tomas sa bayan ng Tuba, Benguet na nagsimula sa mga naglalarong bata sa nasabing lugar, ayon sa Office of the Civil Defense ng Cordillera region.?
Ito ang pahayag ni OCD Cordillera Alex Uy sa kanyang assessment report taliwas sa mga haka-hakang kagagawan ito ng mga kaingero.
Sinabi naman ni Civil Defense Officer II Hector Villanueva na matarik at mabato ang kabundukan ng Sto. Tomas at hindi magandang lugar upang lagyan ng anumang pang agrikulturang pananim.?
Dahil dito ay nilalayon ni Benguet PNP Director P/Senior Supt. Rodolfo Azurin Jr. na makipagpulong sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang makapagbuo ng mitigating measures sa kakaharaping forest fire sa darating na panahon.?
Aabot sa 2,000 ektaryang lupain kabilang na ang mga patubig na pinagkukunan ng inumin ng mga residente ang naapektuhan ng forest fire sa forest reserve sa nasabing lugar.