^

Probinsiya

Magsasaka, negosyante itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Isabela at Ilocos Sur kamakalawa. Pitong bala ng cal.9mm pistol at limang bala ng cal. 45 pistol ang umutas sa magsasakang si Jovie Laggui sa Barangay Baleleng, bayan ng Sto. Tomas, Isabela.Lumalabas sa imbestigasyon na sinundan ng gunmen ang biktima habang papauwi saka niratrat pagsapit sa abandonadong lugar dakong alas-11:45 ng tanghali. Samantala, pinagbabaril din at napatay ang negosyanteng si Allan Ragasa ng dalawang di-kilalang lalaki sa harapan ng munisipyo ng San Juan, Ilocos Sur. Nasugatan naman ang bystander na si Glenford Corpuz matapos tamaan ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol. Narekober sa crime scene ang 19-bala ng cal. 45 pistol. Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo ang pagpaslang kay Ragasa na isang dealer ng sibuyas sa nasabing bayan.

vuukle comment

ALLAN RAGASA

BARANGAY BALELENG

DALAWA

GLENFORD CORPUZ

ILOCOS SUR

ISABELA

JOVIE LAGGUI

LUMALABAS

NAREKOBER

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with