Cotabato binulabog ng bomba

NORTH COTABATO, Philippines - Muling ginulantang ng malakas na pagsabog ang Sitio Village sa Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP, wala namang nasugatan sa nasabing pagsabog na gawa sa improvised explosive device na  itinanim sa gilid ng highway. Nabatid na ang pagsabog ay may ilang metro lamang ang layo sa detachment ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army at ng PNP. Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang ilang shrapnel na concrete nail at bote ng battery solution. Matatandaan na noong Lunes ng gabi ay isa ring IED ang sumabog sa bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan.

Show comments