Mag-ama tiklo sa drug bust

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-ama na sinasabing notoryus sa pagpapakalat ng bawal na droga makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Macaranga Pundamdag at Aira Pagong Upao, 24, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nasamsam sa mag-ama ang 200 gramo ng shabu, P.3 milyong cash, cal. 45 pistol, homemade sumpak at mga bala.

Show comments