2 holdaper arestado

Nasa himpilan ng pulisya ang dalawang notoryus na holdaper matapos masakote ng mga tauhan ni P/Supt. Marcos Rivero kaugnay sa reklamo ng pasahero ng jeepney na kanilang hinoldap sa Barangay Sta. Rosa 1, bayan ng Marilao, Bulacan.  STAR/Boy Cruz

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang dalawa sa tatlong notor­yus na holdaper makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pang­hoholdap sa Barangay Sta. Rosa 1, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng mada­ling araw.

Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina Reggie Bautista at Carlo Boy Liwanag, kapwa nakatira sa Northville 4B, Barangay Lambakin sa nasabing bayan habang tinutugis naman ang kasabwat ng dalawa.

Base sa police report, ang dalawa ay inaresto matapos magreklamo ang 27-anyos na pasahero ng jeepney na si Lady Lyn Belarmino kung saan siya hinoldap ng mga suspek. Tinangay ng mga suspek ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng cash at personal na gamit.

Nagreklamo naman ang biktima sa pulisya kaya inilatag ang operasyon laban sa mga suspek hanggang sa masakote ang mga ito sa kanilang lunga kung saan narekober ang mga gamit ng biktima.

Show comments