6 bomba narekober sa highway

NORTH COTABATO, Philippines – Nasilat ang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng grupo na magpapasabog sana ng mga bomba makaraang madiskubre ang anim na bomba na itinanim sa madamong bahagi sa gilid ng highway sa Barangay Sinapulan, bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kahapon. Kaagad namang ipinaalam ng isang sibilyan  ang nakitang bomba sa himpilan ng pulisya kaya mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng EOD team. Nabatid na may nakakabit na mga kable ang mga bomba at may dalawang metro ang layo ng bawa’t isa kung saan may habang 100 metro kung saan sa dulo nito ay may nakakabit na switch. Maaari umanong noong isang araw pa inilagay ang mga bomba dahil ang mga damo na ginawang pantakip ay natuyo na. Pinaniniwalaan namang para sa mga sundalong nagpapatrolya ang mga itinanim na bomba. Rhoderick Beñez

 

Show comments