Abaca stripper dinedo ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 44-anyos na abaca stripper na sinasabing tiktik ng militar at pulisya matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Almojuela, bayan ng Viga, Catanduanes kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng pulisya, pauwi na ang biktimang si Noel Ebraga mula sa kanyang trabaho nang harangin at ratratin ng mga rebelde dakong alas-10:30 ng umaga. Itinanggi naman ng  pamilya ng biktima ang akusasyon ng mga rebelde.

Show comments