^

Probinsiya

11-anyos dedo sa land conflict

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Pinaniniwalaang awayan sa lupaing sinasaka ang isa sa motibo kaya napatay ang 11-anyos na totoy matapos ratratin ng mga di-kilalang armadong lalaki ang grupo ng mga laborer na naglalakad sa Sitio Israel, Barangay New Abra sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, sakay ng kalabaw ang biktimang si Jeseryl Diosma, Grade 3 pupil sa New Tigbawan Elementary School habang naglalakad naman ang kanyang mga magulang na sina Jessie at Jocelyn kasama rin ang pitong laborer patungo sana sa kanilang rubber plantation upang maglinis nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan.

Napuruhan sa leeg ang biktima habang nakaligtas naman ang kanyang mga magulang at mga laborer.

Agad tumakas patungo sa direksyon ng Marupayag, Barangay New Abra ang gunmen matapos ang pamamaril.

AYON

BARANGAY NEW ABRA

FROILAN GRAVIDEZ

JESERYL DIOSMA

JESSIE

JOCELYN

MATALAM

NEW TIGBAWAN ELEMENTARY SCHOOL

NORTH COTABATO

SITIO ISRAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with