Babae sinilaban ang sarili
MANILA, Philippines - Lumuwa ang bituka at halos hindi na makilala ang 24-anyos na babae makaraang silaban ang sarili at kanyang bahay sa Purok 4, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.
Sa phone interview, kinilala ni Tacurong City Police Direcor P/Supt. Junie Buenacosa ang biktima na si Paige Kyla Morales.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Buenacosa na dakong alas-10:51 ng umaga ng mangyari ang insidente sa 2-storey na lumang bahay ng pamilya Morales sa General Luna Street sa nasabing lungsod.
Nabatid na nag-away ang biktima at ang nakababata nitong kapatid dahil sa hindi binanggit na dahilan.
Gayon pa man, nagkulong sa kaniyang silid ang biktima sa ikalawang palapag kung saan sinilaban nito ang kurtina kaya mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.
Sa pahayag ng pamilya ng biktima, sa tuwing magagalit ang biktima ay sinusunog ang kaniyang mga damit na ilang beses na nitong nagawa at naagapan lamang.
Nabigo namang maisalba ang buhay ng biktima na na-trap sa nasusunog nitong silid dahil masyado ng malaki ang apoy sa buong kabahayan.
Tinatayang aabot sa P.6 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
- Latest