15-anyos dalagita pinilahan, pinatay ng 4 adik

Pinagtulungan ng dalawang trabahador ng punerarya na takpan ng kumot ang bangkay ng dalagitang pinilahan muna saka sinaksak ng apat na lango sa alak at droga bago itinapon sa madamong lugar sa Bordador Compound sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan. Kuha ni BOY CRUZ

BULACAN, Philippines- – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na dalagita matapos itong pilahan ay pinagsasaksak pa ng apat na kalalakihang lango sa alak at bawal na droga sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan, ayon sa ulat kahapon.

Natagpuan sa madamong bahagi ang duguang katawan ni Analyn De Guzman-Salvador, out-of-school youth at nakatira sa nasabing barangay.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga  suspek habang isinasagawa ang follow-up operation ng pulisya.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Enrique Areja at PO3 Marcelo Galsim, huling namataang buhay ang biktimang kasama ang kanyang dalawang kaibigang babae kung saan nakikipag-inuman sa mga suspek noong Huwebes ng gabi (Feb.12)

Matapos ang inuman ay sumama ang biktima sa mga suspek kung saan iniwan ang dalawa nitong kaibigang babae.

Dakong alas-3 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Bordador Compound sa nasabing barangay.

Naagnas na ang katawan ng biktima na walang suot na pang-ibaba at tadtad ng saksak sa katawan.

Positibo namang kinilala ng ina ang kanyang anak na may relos, jacket, tsinelas, tali sa buhok at ang kulay ng bra habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments