79-anyos todas sa tandem

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 79-anyos na lolo matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang nagbibisekleta sa Purok Marcos, Barangay Rotonda sa Koronadal City, North Cotabato kahapon ng umaga. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo, likod at puson ang biktimang si Faustino Cabral. Nabatid na huminto pa ang tandem sa harap ng magsasakang si Cabral kung saan nagtanong ng presyo ng sitaw saka niratrat. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol.

Show comments