Desperadong guro, nagbigti

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa asawang maysakit kaya nagbigti ang 46-anyos na guro sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nag-suicide na si Jacinto Valerio Jr., guro sa F.Bernardino Trade School at nakatira sa Maria Socorro Subdivision sa nasabing barangay. Nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima bandang alas-12 ng tanghali matapos usisain ng dalawang kapitbahay ang kinaroroonan ng nasabing guro. Sa imbestigasyon ni PO3 Ariel Gacutan, lumilitaw na ayaw ng biktima na makitang naghihirap ang asawang guro na sinasabing may matinding karamdaman. Wala namang iniwang suicide note ang biktima.

 

Show comments