Katiwala sa manukan dinedo ng NPA

LEGAZPI CITY , Albay, Philippines – Pinabulagta ang 47-anyos na katiwala sa mga panabong na manok na inakusahang nagbibigay ng impormasyon sa militar at pulisya laban sa mga rebeldeng New People’s Army matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa labas ng kanyang bahay sa Sitio Lay –a, Barangay Gate sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Bago naganap ang pamamaslang kay Crisanto Germedia, pinuntahan ng mga rebelde ang kabarangay nitong si Eddie para magpasama sa kinaroroonan ng biktima. Kaagad na pinasok ng mga rebelde ang bahay ng biktima saka ito kinaladkad palabas at pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Show comments