Kapitan arestado sa estafa

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang 42-anyos na incumbent barangay chairman makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa kinakaharap na kasong estafa sa kanilang bahay sa Purok 7, Brgy. Mabilo ll, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Inaresto nina  PO3 Roberto Quilas Jr. at PO3 Renzen   ang suspek na si  Brgy. Chairman Jonathan Fruto alyas “Engr. Fruto” sa nasabing lugar. Batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Efren G. Santos, Presiding Judge ng RTC Branch 22, Naga City, Camarines Sur,  ang suspek ay nahaharap sa kasong estafa at umaabot ang piyansa sa halagang P40,000. Ang suspek ay pansamantalang nakadetine sa Labo Municipal Police Station.

Show comments