Barangay chairman itinumba

CAVITE, Philippines – Napatay ang 75-anyos na barangay chairman habang kritikal naman ang kanyang barangay tanod matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay San Isidro Labrador 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Chairman Joaquin Rillo Sr. habang kritikal na naisugod sa ospital ang 54-anyos na barangay tanod na si Jose Bonaobra. Ayon kay P03 Reynaldo Afable, patungo sa barangay hall sina Rillo at Bonaobra nang lapitan at pagbabarilin ng tandem assassins. Narekober ng pulisya sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments