Dalagita pinatay sa pension house

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 18-anyos na babae matapos itong pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki sa loob ng pension house sa Dipolog City, Zamboanga de Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakaki­lanlan ng biktima na sinasabing tubong Sindangan Zamboanga del Norte habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kinilala lamang sa alyas Ali-Ali.

Lumilitaw na nag check-in sa Antonio’s Pension House sa Martinez Street ang biktima kasama si Alyas Ali-Ali noong Enero 28.

Makalipas ang 3-araw ay naunang lumabas ang kasamang lalaki subalit naiwan ang biktima kaya kinutuban ng masama ang mga kawani ng pension house.

Gayon pa man, puwersahang binuksan ang kuwarto ng biktima kung saan bumalaga ang duguang katawan ng dalagita na walang saplot at tadtad ng saksak ang buong katawan.

Show comments