^

Probinsiya

Lineman pisak sa killer bus

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Patay ang 43-anyos na lineman ng Camarines Sur Electric Cooperative 1 matapos itong mabundol at makaladklad pa ng pampasaherong bus ang minamaneho nitong traysikel sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng  Libmanan, Camarines Sur kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Wilfredo Calisura ng Zone 5, sa Barangay Bagumbayan sa nasabing bayan habang sumuko naman sa pulisya ang driver na si Ronaldo Magana, 56, ng Purok 1, Barangay Magang sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Sa ulat ni P/Senior Supt. Primo Golingay, minamaneho ng biktima ang kaniyang traysikel (6409EX ) sa nasabing highway nang suwagin ito ng Elavil passenger bus (TYX 418) na minamaneho ni Magana. Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang tricycle kung saan nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima.

BARANGAY BAGUMBAYAN

BARANGAY MAGANG

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR ELECTRIC COOPERATIVE

MAHARLIKA HIGHWAY

PRIMO GOLINGAY

RONALDO MAGANA

SENIOR SUPT

WILFREDO CALISURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with