Durugista utas sa pulis

CAVITE, Philippines – Napatay ang 36-anyos na durugista na sinasabing nang-hostage ng kanyang ka-live-in matapos itong mabaril kaugnay sa tangkang pananaga sa mga awtoridad kahapon ng madaling araw sa Barangay Zone 1, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Toti Asibar ng Barangay Victoria Reyes habang sugatan naman ang ka-live-in nitong si Kristine Ilano. Sa ulat ni P03 Paulo Figueroa, sinaksak ni Asibar ang kanyang ka-live-in saka isinakay sa traysikel at hinostage. Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad para payapain si Asibar subalit nanlaban ito kaya binaril at napatay. Cristina Timbang

Show comments