MANILA, Philippines – Normal na ang operasyon sa Tacloban aiport ngayong Martes matapos matanggal ang sumadsad na private plane nitong Sabado.
Kaninang madaling araw ay pinayagan nang makaliapad ang mga commercial flights paalis ng Tacloban.
Sumadsad ang nguso ng Bombardier GL50 na pagmamay-ari ng San Miguel Corporation habang naghahadang lumipad.
Nangyari ang aksidente ilang minuto matapos lumipad pabalik ng Maynila si Pope Francis.
Ang masamang panahon na may malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong “Amang” ang itinuturong dahilan sa insidente.
Sakay ng eroplano ang mga kawani ng gobyerno kabilang sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya, Office of the President Undersecretary Emmanuel Bautista at Undersecretary Felizardo Serapio Jr..